Palawan gov. nakisawsaw sa kaso ng mining firm
Pinaniniwalaang nakikisawsaw si Palawan Governor Joel Reyes sa disposisyon ng kaso ng isang mining firm na ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa state prosecutor sa Maynila, mula sa provincial prosecutor.
Ayon kay Ferdinand Pallera, vice president ng Citinickel, ang tangka ni Reyes na pigilan ang paglilipat sa kaso mula provincial prosecutor patungo sa prosecutor sa Maynila ay lubhang kuwestiyonable dahil nakikialam na ang gobernador sa trabaho ng DOJ, partikular na sa disposisyon ng kaso ng Citinickel Mines and Development Corporation at ng Oriental Peninsula Resources Group.
Magugunita na ang gobernador ay nahaharap ngayon sa kasong graft and corruption sa Sandiganbayan matapos na payagan ang Platinum Group Metals Corp., (PGMC) na makapagmina ng 282,729.35 metric tons ng mineral ores, lubhang mas marami kumpara sa 50,000MT na itinatakda ng Small Scale Mining Law.
Samantala, itinanggi naman ni Gov. Reyes ang anumang akusasyon laban sa kanya partikular na ang paglabag sa Phil. Mining Act of 1995 at ang RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
- Latest
- Trending