14 todas sa highway tragedy
KIDAPAWAN CITY – Trahedya ang sumalubong sa labing-apat na sibilyang nasawi, kabilang na ang apat na bata habang aabot naman sa 20 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong jeepney sa kasalubong na truck sa Cotabato-Bukidnon Highway sa bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga namatay ay ang drayber ng Lawin jeepney na si Allan Balono, mga pasaherong sina Moka mad Saidola, Gimas Saidola, Lugaya Matalam, Kutog Amil Sapal, Lubaida Balabagan, Bai Naut Sapal, Umbay Mustapha, Tong Umbadil, Nanogod Guimba at ang apat na pansamantalang ‘di-pa nakikilalang mga bata.
Ginagamot naman sa Kabacan Polymedic Hospital ang ilang sugatang sina Manny Salilama Maminteng, 46; Norodin Kasan,19; Nasser Alipio Talintan, Mustapha Nano, 42; at si Kisay Sapal.
Karamihan sa mga pasahero ay residente ng mga Barangay Kilangan at Palanggalang sa nabanggit na bayan.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Lester Camba, hepe ng North Cotabato PNP, ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng umaga sa highway na sakop ng Barangay General Luna.
Ayon sa imbestigasyon, patungo
Gayon pa man, habang bumabagtas sa highway ay tinangka ng drayber ng jeepney na mag-overtake sa Isuzu forward pero kinapos ito at sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck (RFM-365) na loaded naman ng 300 sako ng semento.
Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang drayber ng truck na si Gerry Delos Reyes, 38, ng Libungan,
Itinanggi ni Delos Reyes na may kasalanan siya sa naganap na sakuna at nangatuwirang siya ang binangga at hindi siya ang nakabangga.
- Latest
- Trending