2 anak ng trader ni-rape

BATANGAS – Masak­lap na kapalaran ang inabot ng dalawang anak na ba­bae ng negosyante maka­raang halayin ng mga ar­madong kalalakihan na nanloob sa kanilang computer shop sa Lipa City, Batangas noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Lipa City police chief P/Supt. George Dadulo, pinasok ng pitong kalalakihan ang Computer shop ni Josephine Pernia sa Villa De Lipa 1, Ba­rangay Maraouy bandang alas-11:25 ng gabi.

Ang mga suspek na ar­mado ng baril ay may edad 20 hanggang 25-anyos, naka suot ng short maong pants, t-shirts, baseball cap.

Batay sa ulat ng pulisya, pagpasok sa computer shop, ay agad na tinutukan ng baril ang anak ni Penia na si Christopher bago igi­napos gamit ang kable ng celfone charger.

Nang marinig ni Jose­phine ang kaguluhan, ay agad na sumaklolo ito sa anak, subalit hinampas siya ng baril sa ulo bago pina­dapa.

Matapos masigurong walang papalag sa mga biktima, inumpisahang lima­sin ang mga celfone, pera at iba pang personal na gamit ng mga customer na sina Melvin Masongsong, 20; Bon Caraig, 19; Bryan Mea, 17; at Bryan Barde, 13.

Maging ang loob ng ba­hay ng pamilya Pernia ay hinalughog hanggang sa magawa ng mga kawatan ang maitim na balak sa da­lawang anak ng trader na itinago sa mga pangalang Doris, 23; at Tina, 15 ma­tapos matiyempuhan sa kani-kanilang kuwarto.

Tumakas ang mga ra­pist na kawatan sakay ng ku­lay puting L-300 van at isang green na kotseng Mitsubishi Lancer na wa­lang mga plaka.

Nag-utos na ng mala­wakang manhunt operation si P/Senior Supt. David Quimio para tugisin ang mga suspek na may mga puntong Tagalog at Muslim.

Show comments