^

Probinsiya

20 NPA rebs sumuko

-

CAMP CRAME – Dala­wam­pung rebeldeng New People’s Army (NPA) ang su­muko sa tropa ng militar sa mag­kakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon, kama­kalawa.

Sa ulat ni Army Spokesman  Lt. Col Ernesto Torres Jr., unang sumuko sa tropa ng Charlie Company ng Army’s 76th Infantry Battalion sina Crisostomo Gon­zaga, alyas Ka Toming; Teo­doro Palo, alyas Ka Doring; Benjamin Batani, alyas  Ka Jamin; Tiotimo Julita, alyas Ka Tomi; Marilou Acelo, alyas Ka Marlou; Jo­selito Anyayahan, alyas  Lito; at si Romeo Javier, alyas Ka Mico.

Ang pagsuko ng pito ay ikinanta ni Jimmy Anyaya­han na isang rebel returnee na sumuko noong Enero 17.

Sumunod na sumuko ang 13-pang rebelde na sina San­cho Arellano alyas Ka Bert; Feli­cisimo Ores, alyas Ka Rey; pawang kaanib ng  Ganap na Samahang Mag­sasaka (GSM)  na may  code name na  Ana­ haw; Per­siberano Luna, alyas Ka Per­sing; at si Randy Villa­santa, alyas Ka Randy na kapwa kaanib naman ng Guerilla Platoon (GP) at si Lucio Ca­macho, alyas Ka Lucio ng Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Ilaya, Lopez.

Kabilang din sa sumuko ay sina Danilo Roldan, alyas Ka Zaldy; Estelita Argamosa, alyas Ka Jojo; Berson Mison, alyas Ka Mandy; Rodolfo Su­ milang, alyas ka Boy; Glorendo Acosta, alyas Ka Guindo; at Victor Merca, alyas Victor na pawang miyembro ng Kongre­so ng Magbubukid Para sa Re­por­mang Agraryo (KOMPRA); Bernardo Garay, alyas Ka Totoy; at Ernesto Argamosa.

Kasalukuyang sumasa­ila­lim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsi­sukong rebelde. (Joy Cantos at Tony Sandoval)

ALYAS

ARMY SPOKESMAN

BENJAMIN BATANI

BERNARDO GARAY

BERSON MISON

CHARLIE COMPANY

COL ERNESTO TORRES JR.

CRISOSTOMO GON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with