CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dinukot bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 57-anyos na reteradong Master Sergeant ng Phil. Army ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Solango sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng tanghali.
Napuruhan sa ulo ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang biktimang si ex-M/Sgt. Leonardo Gacis, 57. Sa ulat ng pulisya, si Gacis ay kumakain kasama ang kanyang pamilya sa sariling tahanan nang pasukin ng mga armadong kalalakihan.
Wala naman nagawa ang pamilyang nagmamakaawa matapos kaladkarin ang biktima palabas ng tahanan patungong niyugan at doon isinagawa ang krimen. (Ed Casulla)