Nagkalasug-lasog ang dalawang katao habang tatlo pa ang sugatan sa pagsabog at sunog sa isang shipyard sa Subic Bay Freeport sa Zambales, kahapon ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mario Lacsamana, 32, ng Morong, Bataan at Jeremiah Adamos ng Zambales.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa St. Jude Hospital sa Olongapo City ang mga sugatang sina Jonathan Martinez, Gilbert Suba at Donald Elijido.
Ang mga biktima ay pawang empleyado ng Hanjin Industries. Sumabog at nasunog ang isang tangke sa drydock compound ng naturang kumpanya sa Sitio Agusuhin sa Redondo Peninsula sa loob ng freeport. (Joy Cantos)