Isang dating pulis na sumapi sa bandidong Abu Sayyaf ang tinukoy na utak sa pagpatay sa isang pari na tinangkang dukutin ng 10 armado at maskaradong lalaki sa South Ubian, Tawi-Tawi noong Martes.
Ito ang nabatid kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Nestor Allaga kaugnay ng mas pinaigting na search and rescue operations upang mabawi ang isa pang bihag na guro ng Notre Dame High School na si Omar Taub na hawak ng mga tumakas na kidnapper.
Ayon kay Allaga, natukoy nila ang nasabing dating pulis na ayon sa ilang testigo ay siyang nanguna sa paglusob sa Mary Immaculate Church at Notre Dame High School kung saan ay pinaslang ang biktimang si Father Ray Roda
Si Roda, 53, ay 10 taon nang nagmimisyon sa lalawigan at tumatayong Kura Paroko at director rin ng eskuwelahan.
Gayunman, tumanggi muna ang opisyal na pangalanan ang suspek dahil baka mabulilyaso ang operasyon para masagip si Daup.