Isang malawakang rerouting scheme ang ipatutupad ng City Traffic Office Management(CITOM)sa Cebu City partikular na sa palibot ng Basilica del Sto. Niño upang bigyang daan ang selebrasyon ng Fiesta Señor 2008 na magsisimula ngayon hanggang Enero 20 at gayundin sa Enero 25 kung saan isasagawa ang “Hubo,” ang pagpapalit ng damit ni Senor Sto.Niño.
Ang rerouting scheme ay sisimulan bandang alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa mga nasabing araw.
Lahat ng pampasaherong dyipni na may rutang 21B at 22B na bumabaybay sa Osmeña Blvd. ay kakaliwa patungong D. Jakosalem St. at kakanan patungong Gomez St. hanggang Urdaneta St., Lapu-lapu St., Jereza St. palabas ng M.J. Cuenco Avenue patungo sa kanilang destinasyon sa Mandaue City.
Ang mga pampasaherong dyipni mula sa Banawa, Guadalupe at Capitol ay babagtasin ang Osmeña Blvd. bago kakanan patungong Lapu-lapu St. at kakaliwa sa Legaspi St. pakanan sa Plaridel Extension bago bumalik sa Osmeña Blvd. mula rito ay sundin na ang dating ruta.
Sa lahat naman ng mga pampasaherong dyipni mula sa Talamban ay didiretso lang bago kakaliwa patungong Lapu-lapu St. at kakaliwa ulit patungong Legaspi St. at D. Jakosalem St., mula rito tuluy-tuloy na sa dating ruta.
Sa D. Jakosalem St., ang lahat ng passenger dyipni na 10D, 09H at 12M ay kakaliwa patungong Legaspi St., bago liliko sa Plaridel Ext. palabas ng Plaridel St. patungong Magallanes St. mula rito ay susundin na ang dating ruta saka pabalik sa pinanggalingan.
Ang mga sasakyang magmumula sa Mandaue City sa P. Burgos St. ang liliko sa pakaliwa patungong Urdaneta St. at kakaliwa ulit patungong Lapu-lapu St. bago pakanan ng Jereza St. patungong M.J. Cuenco Ave.
Lahat naman ng passenger dyipni na 08G, 09C, 10E, 12D at 11D na bumabaybay ng P. Burgos St. ay kakanan patungong Legaspi St. at Plaridel Ext. hanggang Plaridel St. patungong Magallanes St., mula rito ay tuluy-tuloy na sa dating ruta.
Habang ang mga PUJs naman na 11A, 10G at 10K sa Magallanes St. ay liliko patungong D. Jakosalem St. hanggang sa M.C. Briones St.at kakaliwa patungong Lapu-lapu St. pabalik ng D. Jakosalem St. bago kumaliwa patungong Colon St.
Ang rerouting ay ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cebu City dahil sa libu-libong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dadagsa. Edwin Ian Melecio