^

Probinsiya

Trak vs dyipni: 2 utas

- Ni Jeff Tombado -

OLONGAPO CITY – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang 17 naman ang nasugatan makaraang salpukin ng delivery truck ang pampasa­herong jeepney ng mga biktima sa highway na sakop ng Ba­rangay Upper Kalak­han, Olongapo City kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga natodas ay sina Larry Bermudez, 45, drayber ng jeepney;at Joselito Collado, 27, security guard.

Dinala naman sa James Gordon Memorial Hospital ang mga sugatang sina Jubilee Diatu, Marilou Collado, Rolito Comia, Analyn Idanan, Catherine Cal­pito, April Mae Serdon­cillo, Roberto Pedrina, Redalyn Edillor, Larry Rosales, Jonathan Mas­carina, Alvin Arra­nosa, Elma Quijano, Mark Escano, Marilou Ordillas, Jobelyn Je­san, Victor Dela Cruz at si Louie Balintos.

Sa inisyal na im­bestigasyon ng pulis-Gapo, lumilitaw na patungo sa Bulacan mula sa Zambales ang delivery truck (WKL-157) na minamaneho ni Narciso Luna nang salpukin nito ang ka­salubong na pampa­saherong jeepney (CUP-259) ni Bermu­dez.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na posibleng nakaidlip sa pagmamaneho si Luna kaya naganap ang sakuna. Kaagad na­mang tumakas si Luna, kasama ang dalawang pahinante na ‘di na­tukoy ang pagkikilan­lan.

ALVIN ARRA

ANALYN IDANAN

APRIL MAE SERDON

CATHERINE CAL

ELMA QUIJANO

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

JOBELYN JE

JONATHAN MAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with