^

Probinsiya

Jailwarden, jailguard kinasuhan

-

KIDAPAWAN CITY – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang jailwarden at jailguard ng North Cotabato Provincial Jail na natakasan ng preso na may kasong rape makaraang ka­suhan sa Office of the Ombudsman sa Da­vao City noong Dis­yembre 2007.

Base sa reklamo ni Leonor Oria na isinampa sa Ombudsman, naging pabaya sina Red Ma­rasigan, provincial jailwarden at Deo­genes Buenafe, jail­guard, sa kanilang tungkulin kaya na­katakas ang rape suspek na si Gilbert Borlat Lopez, 30, da­ting sales executive ng pribadong kom­panya sa Davao City.

Napag-alamang si Oria ay ina ng bik­timang hinalay ni Lo­pez.

Ayon sa ulat, gi­nawang trustee ni Buenafe, ang suspek na si Lopez kaya ma­layang nakalalabas ng selda, subalit sina­mantala nito na ma­katakas.

Noong Bi­yernes ng Enero 4, namataan ng mga kaanak ng bitima si  Lopez sa Kidapawan City kaya kaagad nilang ipinagbigay-alam sa mga aw­toridad subalit na­katakas din. (Malu Manar)

BUENAFE

DAVAO CITY

GILBERT BORLAT LOPEZ

LEONOR ORIA

LOPEZ

MALU MANAR

NOONG BI

NORTH COTABATO PROVINCIAL JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with