^

Probinsiya

Minahan, military detach sinunog ng NPA rebs

-

Sinalakay saka sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang minahan at military detachment  sa magka­hiwalay na insidente ng karahasan sa bayan ng Tampukan, South Cota­bato kahapon ng mada­ling-araw.

Base sa ulat na isi­numite sa Camp Crame, sa kasagsagan ng pag­salubong sa Bagong Taon nang lusubin ng mga rebeldeng kasapi ng NPA Front Committee 76 ang  Saguittarius Mining Inc. sa Barangay Tablu, Tam­pukan.

Agad na sinunog ng mga rebelde ang tatlong gusali ng nasabing mi­nahan at isinunod naman na salakayin at sunugin ang detachment ng militar sa nasabi ring barangay.

Walang nagawa ang mga security forces  sa naganap na pagsalakay ng NPA  makaraang bi­hagin ang kanilang chief security.

Pinakawalan rin  ng mga rebelde ang nasabing security chief  bago ma­bilis na nagsitakas pa­tungo sa direksyon ng pi­nagkukutaan ng mga ito sa kabundukan.

Nabatid na ang sina­lakay na minahan ay isa sa  may pinakamalaking depo­sito  ng copper sa Asya.

Ang insidente ay sa kabila ng  inoobserbahang huling mga araw ng ceasefire na idineklara ng NPA mula Disyembre 31 hanggang kahapon. (Joy Cantos)

BAGONG TAON

BARANGAY TABLU

CAMP CRAME

FRONT COMMITTEE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with