Suspek sa Capoocan masaker nasa NBI na
Inamin ng suspek na si Leo Delmonte, 25, ang pagpatay kay Bibiana Lloren, 49, samantalang ang anak ni Bibiana na si Joshua, 8; at ang pamangking si Raffy, 14, ay sinaksak naman ng suspek na si Fredo Ragsag.
Sina Delmonte at Ragsag ay kapwa kapitbahay ng mga biktima sa nabanggit na barangay.
Sa salaysay ni Delmonte, ninakawan nila ang pamilya Lloren kung saan ang mister nito ay nasa Saudi.
Napag-alamang nakapasok ang mga suspek na lango sa alak sa bahay ng biktima matapos na wasakin ang salaming bintana saka tinungo ang kinaroroonan ni Bibiana
Matapos makuha ang P20,000 ay pinagsasaksak ng mga suspek ang mga biktima para itago ang krimen.
Inamin din ni Delmonte na binigyan niya ng P10,000 si Ragsag bilang bahagi sa pinagkasunduan.
Dahil sa mga fingerprints ng mga suspek na naiwan sa bahay ng mga biktima at kooperasyon ng mga testigo ay maagang naresolba ang kaso ng pulisya at NBI.
Sinabi ni NBI Regional Director Antonio Pagatpat, ang nasabing krimen ay maihahalintulad sa kontrobersyal na Vizconde massacre kung saan nakipagtulungan ang PNP at NBI at ang mga saksi para maresolba ang kaso. Miriam Garcia Desacada
- Latest
- Trending