Titser nagpatiwakal

Pinaniniwalaang matinding surot ng konsensya ang nagtulak sa isang instructor ng Philippine National Police Academy na kitilin ang kaniyang buhay nang magbaril sa sentido matapos na masawi ang isang 16 anyos na estudyante na nasagasaan niya  sa Sta. Rosa City, Laguna, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat, binawian ng buhay sa tinamong isang tama ng punglo sa ulo matapos isugod sa South Luzon Hospital ang suspek na si PO3 Willicito Bayan, 41, isang expert shooter na miyembro ng PNP shooting team at residente ng Silang, Cavite.

Nauna rito, nasagasaan at napatay ni Bayan ang estudyanteng si Jayson Andaya habang minamaneho niya ang kanyang Mitsubishi L-300 van sa Don Jose, Sta. Rosa noong Miyerkules ng umaga. (Joy Cantos)

Show comments