^

Probinsiya

Pagpatay sa pangulo ng BIA inako ng NPA

-

LEGAZPI CITY – Inako ng pamunuan ng Santos Binamera Command ng New People’s Army (NPA) ang pamamaslang sa ex-chief ng Civil Security Unit na ngayon ay pangulo ng  Bahamas Irrigation Association na pinagbabaril sa Ligao City, Albay noong Miyer­kules.

Sa press statement na ipinalabas ni Florante Oro­bia, alyas Ka Greg Banares, tumatayong ta­gapagsalita ng nasabing grupo, lumilitaw na itinu­turong pumatay sa regional coordinator ng Bayan Muna ay ang dating hepe ng CSU na si Expidito Ribayan noong Disyembre 31, 2006.

“Armado at mapa­nganib si Ribaya kaya napilitan ang mga pulang man­di­rigma na pa­ tayin ang una,” giit ni Orobia.

Ayon kay Orobia, si Ri­baya, ang responsable sa pagpatay kay Bayan Muna Coordinator Rodolfo “Om­pong” Al­varado kaya si­ningil rin nila ito ng dugo na utang sa ba­yan.

“Ginamit ni Ribaya ang kanyang pampulitikang ko­neksyon at implu­wen­sya at ang proteksyon ng AFP upang pagtakpan ang kri­men,” dagdag pa ni Orobia kung saan walang maaring ilihim sa kilusan ng CPP-NPA.

“Nguni’t walang bagay na maaaring ilihim sa rebo­lusyonaryong kilusan na may malawak na su­porta ng mamamayan at gu­magamit ng siyenti­pi­kong paraan ng pagsu­suri at pagsisiyasat. Ma­ipa­pa­tupad pa rin ang rebolus­yonaryong hustisya at sisi­ngilin nito ang mga may ma­lubhang krimen sa ma­mamayan gaano man ito  katagal,” pasaring  pa ng nasabing grupo. Ed Casulla at Joy Cantos

vuukle comment

BAHAMAS IRRIGATION ASSOCIATION

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA COORDINATOR RODOLFO

CIVIL SECURITY UNIT

ED CASULLA

EXPIDITO RIBAYAN

FLORANTE ORO

OROBIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with