NAIA administrator na-akyat-bahay

CAMP VICENTE LIM, La­guna – Masaklap na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang office administrator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang pasu­kin at pagnakawan sila ng anim na miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” saka halayin pa ang anak na dalaga ng una at isang babaeng bisita kamakalawa sa Barangay Tanzang Luma 6 sa bayan ng Imus, Cavite

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Imus PNP, ang biktimang si Alfredo Padel, 58, administrator ng NAIA, anak nitong itinago sa pangalang Judy Ann,19, ng #714 Sam­ paguita St. Villa Leticia Subd., at ang menor-de-edad na bisita na kinilala lamang na Rose,18,  ng Barangay Bayang Luma sa bayang nabanggit.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi habang nano­nood ng telebisyon ang mga biktima nang biglang pasukin ng anim na armadong kalala­kihan.

Sa salaysay ng mga bik­ tima, agad silang tinalian ng electrical cord sa mga kamay habang nakatutok ang baril bago sinamsam ang malaking halaga, anim na celfone, mga alahas at iba pang mahaha­lagang gamit.

Nagawa pang halayin ng mga suspek sina Judy Ann at Rose bago nagsitakas tangay ang mga nakulimbat.

Sa isinagawang operas­yon, naaresto ang tatlo sa anim na suspek sina Dee Jay Mali­han, 25; Dave Bryan Trinidad na kapwa residente ng #72 Ba­ rangay San Jose, Dasmari­ñas, Cavite at si Mark Anthony De La Cruz, 26, ng St. Mary Homes ng nabanggit na ba­rangay.

Arestado rin ang kaba­ rangay ng mga biktimang si Buen Consejo, 30, na tuma­yong tipster ng mga suspek bago isagawa ang krimen.

Sa nakalap na impormas­yon ng PSN, ang mga suspek ay sangkot din sa pagnana­kaw sa bahay ng mag-utol na sina George at Erminda Boni­facio ng Plaridel Subdivision, Barangay Bayan Luma, Imus Cavite.

Ang magkapatid na Boni­ facio ay natangayan ng P.5 milyon, mga assorted na alahas ( P.3-M), lap top at digital  camera.

 

 

 

Show comments