NAIA administrator na-akyat-bahay
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Masaklap na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang office administrator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang pasukin at pagnakawan sila ng anim na miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” saka halayin pa ang anak na dalaga ng una at isang babaeng bisita kamakalawa sa Barangay Tanzang Luma 6 sa bayan ng Imus, Cavite
Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Imus PNP, ang biktimang si Alfredo Padel, 58, administrator ng NAIA, anak nitong itinago sa pangalang Judy Ann,19, ng #714 Sam paguita St. Villa Leticia Subd., at ang menor-de-edad na bisita na kinilala lamang na Rose,18, ng Barangay Bayang Luma sa bayang nabanggit.
Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi habang nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang biglang pasukin ng anim na armadong kalalakihan.
Sa salaysay ng mga bik tima, agad silang tinalian ng electrical cord sa mga kamay habang nakatutok ang baril bago sinamsam ang malaking halaga, anim na celfone, mga alahas at iba pang mahahalagang gamit.
Nagawa pang halayin ng mga suspek sina Judy Ann at Rose bago nagsitakas tangay ang mga nakulimbat.
Sa isinagawang operasyon, naaresto ang tatlo sa anim na suspek sina Dee Jay Malihan, 25; Dave Bryan Trinidad na kapwa residente ng #72 Ba rangay San Jose, Dasmariñas, Cavite at si Mark Anthony De La Cruz, 26, ng St. Mary Homes ng nabanggit na barangay.
Arestado rin ang kaba rangay ng mga biktimang si Buen Consejo, 30, na tumayong tipster ng mga suspek bago isagawa ang krimen.
Sa nakalap na impormasyon ng PSN, ang mga suspek ay sangkot din sa pagnanakaw sa bahay ng mag-utol na sina George at Erminda Bonifacio ng Plaridel Subdivision, Barangay Bayan Luma, Imus Cavite.
Ang magkapatid na Boni facio ay natangayan ng P.5 milyon, mga assorted na alahas ( P.3-M), lap top at digital camera.
- Latest
- Trending




















