^

Probinsiya

P150-M shabu nasabat sa raid

- Ric Sapnu, -

CAMP OLIVAS, Pam­panga  –  Tinatayang aabot sa P150 milyong kemikal sa paggawa ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad makaraang salakayin ang isang bodega sa Barangay Panilao, Pilar, Bataan, noong Sabado.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. Odelon Ramoneda, Bataan police director, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rolando Tungol ng Abucay Municipal Trial Court, sinalakay ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency at pulis-Bataan, ang malaking bodega na ginawang shabu lab na naunang sinalakay ng mga awtoridad noong Disyembre 2005.

Kabilang sa mga nasa­bat ng raiding team, ang 11-malalaking balde at 25-half plastic bags na naglalaman ng puting kemikal na pina­niniwalaang ephedrine, 150-botelyang may Chinese marking na nagla­laman ng likido, tatlong gas mask, mga pakate ng asin at uling sa loob at labas ng bodega.

Ayon kay Ramoneda, nasabing bodega ay pag-aari ng isang nagnga­ngalang Susan de Leon at ang tumatayong katiwala na si Freddie Bautista.

Kasalukuyang isinasa­ilalim sa imbestigasyon ang dalawa dahil sa pagka­kadis­kubre ng mga kemikal ng shabu para makapag­bigay linaw sa nasabing kaso.

Sa tala ng pulisya, ang nasabing bodega na na­unang inupahan ng mga Taiwanese  ay sinalakay na rin ng mga awtoridad noong Disyembre 2005 matapos sumingaw na ginagawang shabu lab ang naturang lugar.  

May posibilidad na may kaugnayan sa sinalakay na shabu lab ang nasakoteng si Emerson Ebido na na­kumpiskahan ng 21-kilong ephedrine noong Biyernes ng gabi sa Barangay Ca­laylayan sa bayan ng Abu­cay, Bataan, ayon sa pu­lisya.

vuukle comment

ABUCAY MUNICIPAL TRIAL COURT

BARANGAY CA

BARANGAY PANILAO

DISYEMBRE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EMERSON EBIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with