2 pang kinidnap laya na

KIDAPAWAN CITY – Pi­nalaya na noong Biyernes ng mga kidnaper ang da­lawang natitirang kidnap victim na dinukot noong Linggo ng Dec 2 sa bahagi ng highway na sakop ng Datu Paglas, Ma­guinda­nao.

Sa pahayag ni P/Supt. Danilo Bacas, spokesman ng PNP-ARMM, na ang mga biktimang sina Marvin Roy Fruto, 22, ng Toril, Davao City, at Anna Marie Supe, 29, ng Sandawa Homes, Kida­pawan City, ay pinalaya ng grupo ni Commander Ma­yangkang Sa­guile sa aban­donadong cottage sa Ba­rangay Ta­dulman sa Sultan sa Ba­rongis, Maguin­danao, da­kong alas-8 ng gabi noong Biyernes.

Gayon pa man, tu­manggi si Bacas na sabihin kung may ransom na ibinayad ang pamilyang mga biktima ka­palit ng kalayaan ng da­ lawa.

Sa isinagawang massive joint manhunt operations ng pulisya at ng Philippine Army na sinimulan noon pang December 2, nasukol ng mga awtoridad ang grupo ni Saguile kaya’t napilitan ito na isuko ang dalawang biktima na pina­niniwalaang nagpa­lipat-lipat ng kuta sa Li­guasan Marsh sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Walang naarestong mi­yembro ng kidnap-for-ransom gang ang mga awtori­dad matapos ang operas­yon.

Sa tala ng pulisya, hin­a­rang at dinukot ang anim na biktima kabilang na ang distributor ng cosmetic products na si Nelson Fruto, habang binabaybay ang Paglas banana plantations sa may Barangay Tambu­rong, Datu Paglas, Maguin­danao.

Agad dinala si Nelson Fruto, at lima pang mga sa­kay ng sasakyan, sa bahagi ng Paglat, Maguin­danao, hang­gang sa sila’y maka­rating sa Liguasan Marsh.

Pinalaya ang apat sa anim kinabukasan, pero tangay na nila ang P.2 mil­yong koleksyon ni Nel­son Fruto  at ang pulang Stra­da pickup. Malu Manar

Show comments