^

Probinsiya

Mag-ina, 1 pa kinatay

-

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlo-katao kabilang ang isang mag-ina makaraang pagtatagain ng nag-iisang ‘di-kilalang lalaki sa loob ng bahay ng mga biktima sa Barangay Balucanad, Capoocan, Leyte kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa kinatay ay sina Bibina Llore, 49; anak nitong si John Joshua Lloren, 8; at Raffy  Nedruda, 15, pamangkin ni Bibina. Batay sa ulat ni P/Chief Supt  Abner Cabalquinto, regional police director, natagpuan ang mga bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay na pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo. 

May posibilidad na kakilala ng mga biktima ang  suspek dahil walang palatandaang winasak ang pintuan ng bahay. Napag-alaman pa na naghugas ng kamay ang suspek upang alisin ang bahid ng dugo bago tuluyang tumakas. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABNER CABALQUINTO

BARANGAY BALUCANAD

BATAY

BIBINA

BIBINA LLORE

CHIEF SUPT

JOHN JOSHUA LLOREN

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with