Mag-aama, 3 pa dinukot

KIDAPAWAN  CITY – Pi­na­niniwalaang dinukot ang anim na distributors at ka­wani ng pribadong kom­panya ng beauty products ng mga armadong kalalakihang nagpanggap na mga pulis sa bayan ng Buluan, Maguin­danao noong Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga bikti­mang dinukot ay sina Nestor Fruto, 52, distributor  ng Realize Personal Collection, at residente ng NHA Village, Bangkal, Davao City; anak na sina Marvin Roy, 22; Neselene, 21; at mga kawa­ning sina Elmarie Jones Go­cong, 21, ng Dacoville, Toril, Da­vao City; Anna Marie Supe, 29, ng Sandawa Homes, Kidapa­wan City; at si Melvin Camacho, 24, ng Samal City.

Ayon sa ulat ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), hina­rang ang sasakyang Strada pick­up (LFY 105) ng mga biktima sa may highway na sakop ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang nagmula ang mga biktima sa isang product demonstration sa Tacurong City at nang mapa­dako sa highway na sakop ng Datu Paglas, hinarang sila ng apat na ar­ma­dong kala­lakihang nakasuot ng uniporme ng pulis.

Nabatid sa pulisya na may cash collections na P.1 milyong dala si Nelson nang maganap ang insidente.

Ayon pa sa ulat, nakasu­nod sa sasakyan ng mga biktima ang isang puting Isuzu elf (REG 568) na nag­lalaman ng mga pro­dukto ng Realize Personal Collections.

Sa salaysay ng elf truck driver na si Jake Estilloso, na­ma­­­­­taan niya na pinara ang sa­sak­yan ng mga bik­tima sa ba­hagi ng banana plantation at nag­hinala siya na may nang­ya­yari dahil sa kakaibang pagka­way ni Marvin Roy na anak ni Nelson.

Dakong alas-5:30 ng hapon, nakapag-text pa ang isa sa mga biktima na si Jones kay Rene Enoya at sinabing kinidnap sila hang­gang sa tuluyang hindi na sumagot.

Kaagad naman naipag­bigay-alam sa pulisya ni Es­ tilloso ang insidente kaya nag­sagawa ng rescue operations ang mga awtori­dad.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, wala pang nata­tanggap na ransom demand ang mga kaanak ng mga bik­tima mula sa mga kidnaper. Dagdag ulat ni Danilo Garcia

Show comments