Pugante nasakote

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang takas na bilanggo mula sa New Bilibid Prison ang nasakote ng mga miyembro ng Malilipot MPS kamakalawa ng gabi sa Centro Poblacion ng naturang bayan.

Nakilala ang suspek na si Franklin Brutas, 42, binata,  at residente ng Barangay Sta. Cruz ng nabanggit na bayan.

Napag-alaman na ang suspek ay may prison no. N206P – 2347 na tumakas sa bilibid prison may ilang linggo na ang nakakaraan at nagtungo ito sa kanilang lugar upang doon magtago. (Ed Casulla)

Show comments