Adik tumalon mula 3rd floor, ligtas

Masuwerteng naka­ligtas ang isang  33-anyos na lalaking hinihi­nalang bangag sa droga mata­pos itong tumalon mula sa isang tatlong palapag na apartment sa Baran­gay Sawang, Ca­lero, Cebu City kamaka­lawa ng hapon.

Ang biktima na tinu­koy lamang sa pangalang Jose ay nagtamo ng pag­kabali ng buto pero idi­neklarang ligtas sa insi­dente.

Ang biktima ay isi­nugod sa pagamutan para malapatan ng pa­ngu­nahing lunas. (Joy Cantos)

Show comments