November 29, 2007 | 12:00am
KIDAPAWAN CITY – Laking gulat ng isang 79-anyos na lolo matapos siyang dakpin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Eden sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga. Bitbit ng mga CIDG operatives, sa pangunguna nina PO2 Neil Gaspar Lacia at SPO2 Froilan Platon, ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Naresma ng Kabacan Regional Trial Court Branch 22 ay inaresto si Federico Pascua dahil sa kasong murder na naganap may 22-taon na ang nakalipas. Itinanggi naman ni Pascua na sangkot siya sa krimen at itinuturo ang isang Victoriano Almarenes na kasalukuyang may sakit na kanser at sumasailalim sa chemotheraphy. Ayon sa ulat, wala naman ang pangalan ni Almarenes sa warrant of arrest kaya dinala na lang ang lolo sa korte upang magpasya ang hukom na ikukulong o palalayain. Malu Manar Kabesa dinedo sa sabungan
KIDAPAWAN CITY – May mga palatandaang politika ang isa sa motibo kaya pinaslang ang isang barangay chairman sa labas ng sabungan sa Tacurong City noong Biyernes. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Akbal Kabuntalan ng Barangay Tambak sa Lambayong, Sultan Kudarat may ilang kilometro ang layo mula sa Kidapawan City. Sa ulat ni P/Supt. Teng Tocao, police provincial director, si Kabuntalan na may kasamang isa pang chairman ng Barangay Poblacion ay tinambangan ng isa sa dalawang lalaki habang papasok ng sabungan. Agad na tumakas ang mga suspek, sakay ng motorsiklo na walang plaka. Ito na ang ikalawang opisyal ng barangay sa Sultan Kudarat na itinumba bago pa man sila nakaupo sa puwesto. Malu Manar P3.5 M droga sinunog
CAMP CRAME – Umaabot sa P3.5 milyong pinatuyong dahon ng marijuana at shabu na nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ang sinunog sa ginanap na ceremonial burning sa Bukidnon, ayon sa ulat kahapon. Sa pangunguna ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri Jr. at mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dakong alas-10 ng umaga ay sinimulang sunugin ang mga nakumpiskang marijuana at shabu na sinaksihan ng iba’t ibang grupo mula sa simbahan at non-goverment organization. Sa ulat ng PDEA, ang Bukidnon ay kabilang sa mga lugar sa Northern Mindanao na na diskubreng may pinakamaraming tanim na marijuana at nagsisilbing drop-off point ng shabu na ibinabagsak naman sa Davao area. Kaugnay nito, patuloy naman ang anti-drug operation sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng komunidad. (Joy Cantos )