Tatlong katao ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawa nilang kasama sa isang restawran sa Barangay San Jose, Zamboanga City kahapon ng umaga. Dalawa sa mga nasawi ay nakilalang sina Naib Akib at Asis Akig habang ang ikatlo ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan. Magkakasama umanong pumasok at kumain sa restawran ang lima nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang pagbabarilin ng mga suspek ang mga biktima. (Joy Cantos)