^

Probinsiya

Bangka lumubog: Mag-asawa lunod

-

Hanggang sa kamata­yan ay hindi naghiwalay ang mag-asawang matan­da matapos na lumubog ang bangkang kanilang sinasakyan sa karagatang sakop ng Mandaue City, Cebu noong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga bikti­mang sina Magdaleno Maranan, 80 at Victoria Maranan, 85. Ayon kay PCG Spokesman Lt. S/G Armand Balilo, ang mag-asawa ay kabilang sa 43-pasahero ng bangkang de motor (Ave Maria 5) na lumubog habang nagla­layag patungo sa Poro Island mula sa Mandaue City port. Sa inisyal na im­bestigasyon, lumilitaw na nasiraan ng makina ang nasabing bangka matapos na balyahin ng malaking alon na nagresulta sa pag­kakaroon ng bitak sa ilalim hanggang sa lumubog.

Nailigtas naman ang mga nalalabing pasahero at tripulante ng bangka ha­bang narekober naman ng rescue team ang mga bangkay ng mag-asawa. (Edu Punay)

vuukle comment

AVE MARIA

EDU PUNAY

G ARMAND BALILO

MAGDALENO MARANAN

MANDAUE CITY

PORO ISLAND

SHY

SPOKESMAN LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with