^

Probinsiya

3 todas sa Yamashita hunting

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  – Tatlong kalala­kihan ang kumpirmadong namatay makaraang ma-suffocate habang nagsa­sagawa ng treasure hunting sa bayan ng Biñan, Laguna noong Miyerkules ng hapon.

Kabilang sa mga na­sawing biktima ay sina Apolinario Samiano, 25; kapatid nitong si Bonifacio Samiano, 28; at Percival Delgado, 42, pawang mga residente ng Sitio Kiliti, Barangay Timbao ng na­banggit na bayan.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr., Laguna police  director, isang bu­wang naghuhukay ang mga biktima sa bahay ng mag-asawang Francisco at Luciana Samiano sa #418 Pandacan St. Barangay Timbao sa pag-asang ma­kahukay ng bultu-bultong Yamashita treasures na nakabaon.

Subalit nang marating nila ang may 30-metrong lalim at haba ng tunnel, nawalan na ng supply ng hangin hanggang sa mag-collapse ang magkapatid na Samiano bandang alas-4 ng hapon.

Nakarating sa kaala­man ng mga kasamahan na naipit sa tunnel ang dalawa kaya sinikap na­mang sa­gipin ni Delgado ang mag-utol at mabilis na nagtali ng lubid sa isang water pump para bumaba sa tunnel.

Pero nasa kalagitnaan pa lang pababa ng tunnel nang bumigay ang water pump mula sa base stand nito at bumagsak sa ulo ni Delgado na naging sanhi ng kanyang kamatayan, ayon pa sa ulat ng pulisya.

Naisugod sa Perpetual Help  Hospital at Ospital ng Biñan pero idineklarang patay ang mga biktima.

Sa panayam kay P/Supt. Rojas ng PSN, sinabi nito na posible rin naka­lang­hap ng methane gas ang mga biktima dahil sa septic tank na malapit sa tunnel.

APOLINARIO SAMIANO

BARANGAY TIMBAO

BONIFACIO SAMIANO

DELGADO

FELIPE ROJAS

LUCIANA SAMIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with