^

Probinsiya

Magkaibigan humabol sa Undas

-

KIDAPAWAN CITY — Tinambangan at napatay ang magkaibigang lalaki ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa naganap na panibagong karahasan sa Sitio Patulangon sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na biktima na sina Roger Maso, nanalong konsehal ng Barangay Malasila at Errol Usop, isang barangay tanod at kawani ng DPWH na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Ayon sa ulat ng pulis-Makilala, pauwi na ang dalawa  sakay ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng mga arma­dong kalalakihan sa bahagi ng nasabing barangay. Sinisilip ng mga imbestigador ang ang­gulong paghihiganti dahil may nakaaway si Usop sa ginawang diskuhan sa Sitio Patulangon at posibleng nadamay lamang sa krimen si Maso. Gayunman, ‘di rin inaalis ng mga awtoridad na posibleng mga rebeldeng NPA ang nasa likod ng pagpatay. (Malu Cadelina Manar)

Dalaga ni-rape slay ng  3 adik

CAMP CRAME — Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinaslang ang isang 17-anyos na dalaga ng mga adik sa droga saka itinapon ang bangkay sa liblib na bahagi ng Barangay Sangi, Cebu City kamakalawa. Natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa bakanteng lote ng nasabing barangay at nakilalang si Kenneth D. Dicdican ng Barangay Luray II, Toledo  City. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, Huling nakitang buhay ang biktima na kasama ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na pinanini­walaang mga adik. Natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang tipak ng bato na posibleng ginamit sa krimen. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. (Joy Cantos)

BARANGAY

BARANGAY MALASILA

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SITIO PATULANGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with