^

Probinsiya

5 katao dedo sa landslide

-

CAMP CRAME – Lima-katao, kabilang ang tatlong bata ang iniulat na nasawi sa naganap na magkaka­hiwalay na landslides dulot ng patuloy na ulan sa Catanduanes, kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga na­matay ay nakilalang sina Nelson Tanael, 37; Michelle Tenoria, 27; Nicole Marvin Tanael, 4; at Reinhard Tanael, 3, pawang naninirahan sa Barangay Bagong Sirang, Baras, kasama ang 10-anyos na si Carmela Olat ng Ba­rangay Osmeña. Sa ulat ng National Disaster Coordinating Council, kabilang sa mga bayang sinalanta ng landslides ay ang Ba­ras, Bato, San Miguel, San Andres at Cara­moran. Apektado rin ang mga barangay ng Balongbong at Sibacu­ngan sa bayan ng Bato; Boton, Pangilao, Buhi, at Siay sa bayan ng San Miguel; Lubas, Boroc­bosoc at Cabu­ngahan sa bayan ng San An­dres; Panaba­nanon at Da­riao sa bayan ng Ca­ramoran; at mga Ba­rangay Ba­tolinao, Sal­vacion, Ti­lod, Pani­qui­han at Pu­raran sa bayan naman ng Ba­ ras. Patu­loy na­man ang relief good operations ng mga aw­toridad sa mga apek­tado ng kala­mi­dad. Danilo Garcia at Ed Casulla

BARANGAY BAGONG SIRANG

BATO

CARMELA OLAT

DANILO GARCIA

ED CASULLA

MICHELLE TENORIA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NELSON TANAEL

NICOLE MARVIN TANAEL

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with