Mga imported na paputok nasabat

CAMP CRAME — Na­aresto ng mga operatiba ng pulisya ang  negosyanteng Tsinoy matapos makumpis­kahan ng kahun-kahong im­ported na paputok sa isina­gawang operasyon sa Ba­rangay Tejero, Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon nang sala­kayin ng mga tauhan ng Re­gional Security Opera­tions Group at Regional Intelli­gence Division ng Police Regional Office (PRO ) 7, ang Juasing Buil­ding sa kahabaan ng 12th Avenue, North Reclamation Area sa nabanggit na ba­rangay.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Mariano So na natukoy na nagmamay-ari ng mga imported na paputok.

Bago ang operasyon, na­ka­tanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa nakaimbak na kahun-ka­hong paputok na pinani­niwa­laang maagang ipinuslit para magamit sa pagsalu­bong sa Bagong Taon.

Matapos ang surveillance operation at maging positibo ang impormasyon ay naka­kuha naman ng search war­rant ang pulisya kaya isina­gawa ang pagsalakay. Joy Cantos

Show comments