Karnaper ng SUV ng actress tiklo
CAMP CRAME — Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) ang itinuturing na high profile carnapper na tumangay sa sports utility vehicle (SUV) ng actress na si Shirley Fuentes sa isinagawang operasyon sa MacArthur Highway sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Nabatid na minamaneho ng suspek na si Raymond Dominguez kasama si Jocelyn Alvaro, 24, ang kulay itim na Mazda 3 na may plakang ZAH 288 nang maispatan ng mga operatiba.
Nang inspeksyunin ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Jesus Manubay, ang loob ng sasakyan ay nasamsam ang anim na plastic sachets ng shabu, dalawang baril, handheld radio, radio antenna at Sony digital camera saka iba pang gamit na pag-aari ng actress na si Fuentes.
Ayon kay PNP-TMG Director Chief Supt. Perfecto Palad, ang Honda CRV (XHS 573) ni Fuentes ay kinarnap ng tatlong armadong kalalakihan sa harapan ng bahay ng actress sa
Sa tala ng PNP-TMG, ang grupo ni Dominguez ay sangkot sa 25 kaso ng carjacking sa Bulacan.
Kabilang sa mga sasakyang kinarnap ng grupo ni Dominguez ay ang Honda CRV (ZAH 288) ni Rodolfo Flores sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan noong Setyembre 22. Isuzu Sports Revo ni Alicia Roxas noong Setyembre 13 sa Bocaue , Bulacan at ang Toyota Hi-Ace van ni Hilario Angeles sa Baliuag, Bulacan noong Sept. 26.
Sa isinagawa namang raid sa tahanan ni Dominguez sa Iba East, Calumpit, Bulacan ay narekober ang iba pang kinarnap na sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Altis (XRE 237), Toyota RAV-4 na walang plaka, MITS Pajero (GTD 410) Suzuki MPV (ZAW 527), BMW (RHC 222), MITS Lancer (XAY 119) at ang MAZDA 3 (ZAH – 288).
Ayon kay Palad ang mga kasamahang carjacker ni Raymund na sina Leopoldo Dominguez, Gilbert Mercado at si Charlie Cortez ay nasakote na noong Marso 1, 2006. Joy Cantos
- Latest
- Trending