^

Probinsiya

16,000-katao apektado ng ashfall sa Bulusan

-

CAMP AGUINALDO — Umaabot sa 16,000 resi­dente mula sa 14 barangay ang naapektuhan ng ashfall sa pinakahuling ash explo­sion ng Mt. Bulusan sa Sor­sogon kamakalawa.

Base sa ulat na tinang­gap ng Office of Civil De­fense, siyam sa mga ba­rangay ang nakaranas ng ashfall  ha­bang moderate naman ang limang iba pa.

Bunga nito ay inalerto na ni OCD Administrator Glenn Rabonza, ang mga opisyal sa lugar na patuloy na mat­yagan ang mga kaganapan sa muling pag-alburuto ng bulkang Bulusan.

Sa pinakahuling mo­ nitor­­ing, aabot sa 37 vol­canic earthquakes ang naitala sa loob ng 24-oras  na naka­apekto sa mga residente.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na hindi sila nagpapabaya sa mga resi­dente lalo na sa mga bata at matatanda na may­roong sakit na asthma na naapek­tuhan ng pagbagsak ng abo.

Isang walong taong gu­lang na bata ang una nang napaulat na inatake ng hika dahil sa ashfall.

Samantala, nagbabala naman ang Phivolcs sa pag­kakaroon ng lahar sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan sa nasabing lalawi­ gan. Namahagi na rin ng mga mask ang mga opisyal sa mga residenteng apek­tado ng ashfall.

Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang pagmo­monitor ng mga kinau­uku­lang ahensya ng pama­halaan sa sitwasyon  ng bul­kang Bulusan. Joy Cantos

ADMINISTRATOR GLENN RABONZA

BULUSAN

DEPARTMENT OF HEALTH

JOY CANTOS

MT. BULUSAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with