^

Probinsiya

1.5 toneladang ‘hot meat’ nasabat

-

GUIGUINTO, Bula­can – Rehas na bakal ang binagsakan ng lima-katao kabilang ang isang ka­wani ng munisipyo na nagtangkang suhulan ang pulis matapos ma­sakote dahil sa pagka­kakum­piska ng 1.5 tone­ladang botyang karne ng baboy noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ro­nald De Jesus, hepe ng pulisya ng Guiguinto, ang mga suspek na sina Ricky Bacsal, Teresa Palomar, Arnel Alvarez at Joel Tan.

Napag-alamang pag-aari ng magka-live-in sina Bacsal at Palomar ang nakumpiskang bot­yang karneng baboy, habang inaresto din ng pulisya si Gregorio Car­denas, isang kawani ng muni­sipyo ng Guiguinto matapos suhu­lan ng P35,000 ang mga pulis.

Napag-alamang lulan ng kulay pulang  XLT closed van (CLL-471) ang nasabing kontra­bando nang dumaan sa PNP checkpoint sa Ba­rangay Pritil bandang alas-9:30 ng gabi noong Huwebes.

Nang inspeksyunin at dadalhin na sa Hiyas Agro-Commodities Center (HACC) slaughter house sa Barangay Ta­bang para sunugin ang karne ay dumating na­man si Cardenas at ti­nang­kang iabot ang na­sabing halaga kina SPO4 Art Gatmaitan at PO3 Darly Riogleon na nag­ sumbong kay de Jesus sa tangkang panunuhol.

Kaagad namang ipi­na­aresto ni de Jesus, si Car­­­denas, samantalang sinertipikahan ni Dr. Ed Jose, ang Municipal Agri­culture­ Officer ng Gui­guinto na double-dead nga ang mga na­kum­piskang karne.

Bukod sa mga kar­neng idi-deliver sana sa Maynila, nakakumpiska rin ang pulisya ng electric­ mixer, mga kutsilyo at electronic weighing scale mula sa mga suspek kaya’t hinihinalang gaga­wing longganiza at tocino ang karne. (Dino Balabo at Boy Cruz)

ARNEL ALVAREZ

ART GATMAITAN

BARANGAY TA

BOY CRUZ

DARLY RIOGLEON

DE JESUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with