^

Probinsiya

Ex-pastor, anak nilikida

- Eva Visperas -

SAN CARLOS CITY, Pangasinan —  Bayo­len­teng kama­tayan ang sinapit ng isang dating pastor ng Baptist Church at ang anak nitong lalaki ma­karaang ratratin ng mga ’di-kilalang kalala­kihan sa loob ng kanilang taha­nan sa Barangay Magtaking, San Carlos City, Pangasinan nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni SPO4 Jose Resultan, ang mag-amang pinaslang na si Romeo Bulatao, 46, branch manager ng motorcycle store at Dennis Bulatao, 21, bi­nata, sales agent ng kanyang ama sa tinda­han ng mga motorsiklo.

Napag-alamang mag­kasamang nano­nood ng telebisyon sa loob ng ka­ni­lang bahay ang pamilya Bulatao kabilang ang misis ni Romeo at tatlong anak nang pasu­kin at pagba­barilin ng dalawang armadong kalalakihan ang matandang Bu­latao.

Nang marinig ni Dennis ang sunud-sunod na putok sa sala ay agad itong lumabas ng ku­warto para sak­lolohan ang ama, subalit sina­lubong siya ng putok ng baril.

Naisugod pa sa Blessed Doctors Hospital sa Barangay Ilang ang mag-ama subalit idinek­larang patay ng doctor.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na tuma­kas sakay ng mo­torsiklo habang naka­kuha naman sa crime scene ng  ilang basyo ng bala ng baril.

Sinisilip ng mga im­bestigador ang moti­bong ‘love triangle’ na pina­niniwalaang may kina­laman sa krimen habang sinisiyasat na­man ang ilang anggulo.

vuukle comment

BAPTIST CHURCH

BARANGAY ILANG

BARANGAY MAGTAKING

BLESSED DOCTORS HOSPITAL

DENNIS BULATAO

JOSE RESULTAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with