Drug Queen ng Cebu tiklo

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tinagu­riang “drug queen”  ng  Lapu Lapu City sa Cebu sa isang buy-bust operation.

Kinilala ang suspek na si Laura Amodia Alegres na sinasabing kayang mag­benta ng P1 milyong halaga ng shabu sa isang linggo.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas, nasakote si Alegres sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa Sitio Soong, Ba­rangay Mactan. Si Alegres ay ikinukunsi­derang level 2 drug pusher sa lunsod kung saan pina­niniwalaang malaking dagok sa sindikato ng droga ang pagkakasakote sa kanya. Danilo Garcia

Show comments