PNP pinakilos vs iligal na sugal
Kasunod nito pinakilos si P/Senior Supt. Arrazad Subong, provincial police director ang kanyang mga tauhan makaraang mapaulat sa ilang pahayagan ang pagsulpot ng mga kubrador ng jueteng sa ilang bayan sa Zambales.
“Matagal na nating ipinatigil ang iligal na sugal na ito at ang gumagala na lamang ay mga nagpapataya ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office at ng Small Town Lottery (STL) na may opisina sa Olongapo,” pahayag ni Deloso.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang opisyal kaugnay ng ulat na may ilang mamamahayag ang nakatatanggap ng pagbabanta dahil sa kanilang pagganap ng tapat sa tungkulin bilang tagamasid ng bayan.
“Dapat na tiyakin ng lokal na pamahalaan at kapulisan ang kaligtasan ng mga mamamahayag dahil sila ang tinig at mata ng mamamayan na ipaalam sa atin ang katiwalian at katapatan sa loob at labas ng bawat ahensya ng gobyerno,” dagdag pa ni Deloso.
Hiniling naman ng nasabing gobernador sa publiko na iparating agad sa kanyang tanggapan ang mga iregularidad na kanilang nakikita sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Zambales para sa karampatang aksyon. Alex Galang
- Latest
- Trending