^

Probinsiya

60 karnap na motorsiklo at traysikel nasamsam

-

KIDAPAWAN CITY  Aabot sa 60 motorsiklo at tray­sikel na  pinaniniwala­ang ki­narnap ang nakum­piska ng mga tauhan ng North Cota­bato PNP, Anti-Terror Cota­bato Rapid Res­ponse Group at ng Land Transportation Office sa isinagawang Oplan Bitag Sasakyan‚ sa kahabaan ng  highway  na  sakop ng Pi­kit, North Cotabato, noong Biyernes.

Sa ulat ni P/Insp. Joyce Birrey, spokesman ng North Cotabato PNP, karamihan sa mga sasakyan na na-impound ay binago ang mga numero ng makina at chassis.

Ito ang ikalawang “Oplan Bitag Sasakyan”‚ na isina­gawa ng mga pulisya sa ka­habaan ng highway ng North Cotabato simula no­ong Hulyo 2007.  

Gayon pa man, aabot naman sa 78 sasakyang un­documented at binago ang numero ng makina ang na­kumpiska ng mga ope­ratiba ng North Cotabato PNP at ng CRRG sa mga bayan ng Carmen at Kaba­can sa North Cotabato.

Kasalukuyang naka-im­pound ang mga nakum­pis­kang sasakyan sa head­quarters ng 1201st Mobile Group ng North Cotabato PNP.

Nabatid na ang Ba­rangay Raja Muda, dating kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa bayan ng Pikit, ay sina­sabing ta­guan ngayon ng mga kar­nap na motorsiklo at tray­sikel sa North Cotabato, ayon na rin sa isang mataas na opisyal ng North Cota­bato PNP. Malu Cadelina Manar

ANTI-TERROR COTA

NORTH

NORTH COTA

NORTH COTABATO

OPLAN BITAG SASAKYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with