^

Probinsiya

Palayan, palaisdaan natutuyo

- Eva Visperas, Vic Alhambra Jr. -

LA UNION —  Umaabot na sa 86,000 ektaryang palayan ang unti-unting natu­tuyo at hindi na mapaki­nabangan ng mga magsa­saka dahil sa kawalan ng tubig-ulan, ayon  sa ulat ng Department of Agriculture.

Ayon kay Region 1 Rice Coordinator Edmund Quinit, kabilang sa mga lalawigang apektado ng matinding tag­tuyot ay ang Pangasinan na may 467,000 ektaryang bu­kirin, ang La Union (26,000), Ilocos Sur (11,454) at ang Ilocos Norte na may 1,060 ektarya.

Inabisuhan naman ni Armado Doqui, regional director ng Department of Agriculture, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Region 1 na isailalim na sa state of calamity ang kani-kanilang lalawigan upang magamit ang limang porsi­yentong pondong pambili ng pump wells para sa irigas­yon at mga buto na gaga­mitin sa pagtatanim ng palay.

Patuloy naman ang cloud seeding operation ng Phil. Air Force sa mga lala­ wigang apektado ng tag­tuyot hang­gang Agosto, ayon sa ulat ng Bureau of Soil and Water. 

Samantala, aabot naman sa 516 ektaryang palais­daan sa Pangasinan ang namimi­ligrong matuyo dahil sa ka­wa­lan ng ulan.

Kapag nagpatuloy ang pananalasa ng tagtuyot ma­apektuhan ang 707 ektar­yang palaisdaan sa Ilocos region maging ang Panga­sinan na may 516 ektaryang palaisdaan, ayon kay Nestor Domenden, regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

vuukle comment

AIR FORCE

ARMADO DOQUI

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

BUREAU OF SOIL AND WATER

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with