^

Probinsiya

3 magkakaibigan inambus, patay

-

BULACAN – Bayolen­teng kamatayan ang sinapit ng tatlong kalalakihan ma­karaang ratratin ng mga di-kilalang armadong kalala­ kihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Bulihan sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. 

Kabilang sa mga na­paslang ay sina Dennis Pascual, trader, ng Luning­ling Street, Lagro, Quezon City; Salvador Durana, ba­rangay tanod, ng North Fair­view, Quezon City at si Orlando Santos, entertainer sa Japan, ng Sitio Bantayan 2nd ng nabanggit na ba­rangay.

Samantala, nakaligtas naman si Violeto Echalico ma­tapos na lumundag mula sa jeep.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni P/Inspector Ar­mando Reyes, na sakay ng owner-type jeep na may plakang DRK 675, ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong kalalaki­hang sakay ng dalawang L300 van bandang alas-7:30 ng gabi.

Napag-alamang bago maganap ang insidente ay bumisita sina Pascual, Du­rano at Echalico sa bahay ni Santos sa nabanggit na ba­rangay. Makalipas ang ilang oras na kuwentuhan ay na­ki­angkas si Santos sa ow­ner-type jeep ng tatlo, su­bali’t hindi pa nakakalayo sa kanilang bahay ay uma­lingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng malala­kas na kalibre ng baril.

Bulagta ang tatlo sa loob ng jeep habang nak­uhang lumundag ni Echalico sa madamong bahagi ng highway.

Narekober ng mga ta­uhan ni P/Supt. Manuel Luk­ban, ang 40-basyo ng 9mm pistol, M16 armalite rifle at Cal. 45 pistol habang sini­silip ng mga imbestigador ang anggulong paghihiganti ang isa sa motibo ng krimen. Boy S. Cruz at Dino Balabo

BARANGAY BULIHAN

BOY S

DENNIS PASCUAL

DINO BALABO

ECHALICO

INSPECTOR AR

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with