Nabalot ng pangamba ang ilang libong residente ng Leyte nang yanigin ito ng malakas na lindol kamakalawa ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inisyal na talaan ng Phivolcs, ganap na alas-11:10 ng umaga nang maitala ang lindol na nairehistro sa lakas na magnitude 5.5 na tumama sa layong 43 kilometro mula sa hilaga ng bayan ng Maasin, Southern, Leyte.
Nabatid na nag-ugat ang lindol bilang tectonic at posibleng ang pinagmulan ay mula sa Philippine Fault Zone- Leyte segment kung saan naitala ang lalim ng 009 kms.
Naramdaman ang intensity 6 sa Hinunangan at Saint Bernard; intensity IV sa Sogod, Southern Leyte at naramdaman din sa lalawigan Cebu City sa intensity II. Angie dela Cruz