^

Probinsiya

Killer ng obrero hinatulan

-

CAMARINES NORTE — Hinatulan ng mababang korte ang isang 50-anyos na lalaki matapos na mapatunayang pumatay sa kanyang kapitbahay na obrero noong Nobyembre 9, 2000 sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.

Sa 9-pahinang desisyon ni Judge Arniel A. Dating ng Daet Regional Trial Court Branch 41, walo hanggang 12 taong pagkabilanggo ang ipinataw sa akusadong si Eutiquio P. Aldeza, alyas “Udong” ng Barangay Matango ng na­banggit na bayan.

Base sa record ng korte, pinagtataga ng akusado ang biktimang si Ramon Velacruz sa gitna ng kalsadang sakop ng nabanggit na barangay.

Binalewala ng korte ang alibi ng akusado na pagta­tang­gol sa sarili kaya niya napatay ang biktima, bagkus binig­yang timbang ang testimonya ng tatlo para mahatulang mabilanggo ang una.

Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng P79,571 sa mga naulila ng biktima bilang danyos perwisyo. (Francis Elevado)

ALDEZA

BARANGAY MATANGO

CAMARINES NORTE

DAET REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

EUTIQUIO P

FRANCIS ELEVADO

JUDGE ARNIEL A

RAMON VELACRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with