^

Probinsiya

Kahoy na may pako inihataw ng guro sa estudyante

-

Namamaga ang hita at posible pang matetano ang isang 11-anyos na batang lalaking Grade VI pupil ma­karaang  pukpukin ng kahoy na may pako ng kaniyang guro sa Labo, Camarines Norte, kamakalawa.

Sa salaysay sa pulisya  ng magulang ng  batang itinago sa pangalang John John, umuwi ang kaniyang anak na namamaga ang hita sanhi ng isang sugat mula sa pako.

Ang guro na namemelig­rong matanggal sa serbisyo ay kinilalang si Asuncion Derez, Class Adviser ng Section 7 sa Labo Elementary School.

Isinumbong ng bata na pinalo umano siya ni Derez ng kahoy na may kalawa­nging pako sa dulo.

Sa hospital, matapos ipa­suri sa doktor  ang bata sanhi ng pamamaga ng hita, sinabi ng mga eksperto na posib­leng nagkaroon na ng tetano ang biktima dahil sa pakong sumugat sa hita nito.

Tinangka ng mga magu­lang ng bata na kunin ang panig ng mga guro maging ang principal subalit nabigo ang mga ito kaya dumulog na sila  sa pulisya. Joy Cantos

ASUNCION DEREZ

CAMARINES NORTE

CLASS ADVISER

JOHN JOHN

JOY CANTOS

LABO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with