Aabot sa US$3 milyong donasyon ng Toyota Motors Corp (TMC) sa Philippine government upang gamitin sa pagtatanim ng punongkahoy sa may 3,500 ektarya ng lupa sa Cagayan Valley.
Ayon sa Malacañang, mismong si Akira Okabe, senior managing director ng TMC, ang nagbigay ng donasyon kay Pangulong Gloria Arroyo nang mag-courtesy call ito sa Punong Ehekutibo sa Imperial Hotel sa Tokyo noong Huwebes ng hapon.
Pinasalamatan ng Pangulo si Okabe dahil sa patuloy na pagtitiwala ng TMC sa kanyang administrasyon matapos magdesisyon palawakin pa ang kanilang R-type transmission plant sa Sta. Rosa City, Laguna.
Noong Marso 15, 2007, pinangunahan ng Pangulo ang groundbreaking rites ng Toyota Autoparts Philippines (TAP) R-type transmission plant na nilaanan ng P5.6 bilyon expansion program ng kompanya.
Magtatayo rin ng bagong pasilidad ang TMC sa loob ng 82-ektaryang Toyota Special Economic Zone sa Sta. Rosa City, Laguna ang TAP. Malou Escudero