Suspect in Bocalbos slay identified

CAMARINES NORTE – Isang detachment ng 22nd Infantry Battalion ng Philip­pine Army sa Tuaca, Basud ng lalawigang ito ang sina­lakay at pinaulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army na ikina­ma­tay ng sundalong si Pfc. Albert Palean kahapong alas-8 ng  umaga. 

Hinihinalang isinagawa ng NPA ang pananalakay bilang ganti sa pagkubkob ng tropa ng 31st Alpha Company ng militar sa isang safehouse ng mga rebelde sa Singi, Vinzons ng lalawigan ring ito bandang alas-5:30 ng madaling-araw kahapon din.

Limang NPA ang nahuli ng mga militar at nakumpiska rin ang isang baby armalite,  su­ber­sibong dokumento at per­sonal belongings.  (Francis Elevado)

Show comments