Bernabe iprinoklama sa Parañaque
Mariing pinabulaanan ni Tysan, Batangas mayoralty bet Herminio Villena, ang akusasyong ng pulisya na siya ang utak sa panununog sa Pinagbayanan Elementary School na ginawang poll precinct sa naturang bayan na ikinamatay ng isang guro at isa poll watcher noong Miyerkules ng madaling-araw (May 16).
“Nang malaman ko na nasusunog ang eskwelahan, kaagad kong iniwan ang bilangan sa isang polling precinct sa Taysan para pumunta sa Barangay Pinagbayanan. Halos madurog ang puso ko at napaiyak nang malaman kong may nakulong at namatay sa loob ng eskwelahan,” pahayag ni Villena sa eksklusibong panayam ng PSN.
“Ang mga teachers at sa aking mga taga-barangay na ako ay lumalamang ng mahigit sa isang libong boto sa nasabing eskwelahan. Pinatutunayan ng mga guro na 25 na boto ang nakuha ng aking katunggali sa may kabuuang 1,200 bumoto,” paliwanag pa ni Villena.
Ito ay patunay lamang na mali ang pahayag ng kalaban na sila ang nanalo sa Barangay Pinagbayanan.
Binatikos naman ni Villena si PNP Director General Oscar Calderon dahil sa agarang pinangalanan na siya ang utak kahit hindi pa kinukuha ang kanyang panig at wala pang sapat na imbestigasyon sa naganap na insidente.
“Circumstantial ang kanilang pinanghahawakan at naging iresponsable ang kanyang pagbanggit at pagdawit ng aking pangalan ganung walang direktang nag-uugnay sa akin sa insidente ng panununog,” pahayag ni Villena.
Sa kasalukuyan ay abala ang pamilya ni Villena at mga supporter sa pag-aasikaso sa mga sugatang biktima at kinalimutan muna niya ang bilangan ng boto sa nabanggit na bayan. (Tony Calvento)
- Latest
- Trending