^

Probinsiya

Politika sa Nayon

-
Pleyto, inindorso ng 20 NGOs
BULACAN — Inindorso ng 20 pribadong organisasyon at samahan ng kabataan ang kandidatura ni dating DPWH Undersecretary Salvador "Ka Ador" Pleyto dahil nakatitiyak silang tutupad ito sa mga ipinangako sa ikaapat na distrito ng Bulacan. Kabilang sa grupong inindorso ang "Kay Ka Ador Kami" movement ay ang Bagong Alyansa ng Kabataan sa Meycauayan (BAKME) na pinamumunuan ni Erick Santos. Naniniwala ang BAKME na kailangan na ang bagong uri ng pulitiko upang mapaunlad naman ang ikaapat na distrito ng Bulacan na binubuo ng Mercauayan City , Sta. Maria, Obando at Marilao na nakikita nila iyon sa katauhan ni Pleyto na may 40-taong naglingkod sa DPWH. "Tatlong taon pa ang hinihingi sa amin ni incumbent at re-electionist Rep. Reylina "Nene" Nicolas, ibig sabihin tatlong taon pa kaming laging babahain tuwing bubuhos ang malakas na ulan?" tanong ni Santos. "Siguro naman, sapat na ang anim na taon niyang (Nicolas) panunungkulan na walang natupad sa mga ipinangako niya sa taumbayan."
Nominee ng YACAP ‘di sangkot sa illegal logging
Mariing pinabulaanan ng You Against Corruption and Proverty (YACAP) party-list group na sangkot sa talamak na illegal logging activities ang isa nilang nominee na si Haron Omar. Ayon kay Carol Lopez, nangungunang nominado ng YACAP, si Omar ay alkalde ng isang bayan sa Lanao del Norte at kahit kailan ay hindi ito nasangkot sa negosyo ng pagpuputol ng punongkahoy sa rehiyon ng Mindanao. Sinabi ni Lopez na si Omar ay matagal ng nasa serbisyo publiko, anak ito ng pinakamatagal nang naglilingkod na alkalde sa Mindanao, kapatid ng ambassador ng Oman at bilang public servant, ginagamit nito ang sariling pera para makatulong sa kanyang constituents.

BAGONG ALYANSA

BULACAN

CAROL LOPEZ

ERICK SANTOS

HARON OMAR

KA ADOR

PLEYTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with