^

Probinsiya

Pleyto, nanguna sa Bulacan

-
BULACAN — Patuloy na lumalakas ang kandidatura ni dating DPWH Undersecretary Salvador "Ka Ador" Pleyto sa ikaapat na distrito ng Bulacan base sa survey ng isang independent group sa 1,000 respondents sa apat na bayan ng nasabing lalawigan. Batay sa survey results ng Advanced Media Organization na, 49 porsiyento ng mga tinanong sa mga bayan ng Sta. Maria, Obando, Marilao at Meycauayan, ang nagpahayag na gusto nila si Pleyto dahil naniniwala silang malaki ang magagawa niya bilang lingkod-bayan sa napakahabang panahon. Dalawampu’t dalawang porsiyento lamang ng mga botante ang pumili sa kasalukuyang Kongresista na si Reynita "Neneng" Nicolas; 10 porsiyento ang boboto para kay Bryan Da Silva habang 19 porsiyento naman ang wala pang napipiling iboboto halos dalawang linggo bago maghalalan. "Dalawang term na kasi si Cong. Neneng pero tila hindi nalulutas ang suliranin sa baha dito sa Meycauayan," pahayag ni Ramon Javier ng Barangay Bayugo. "Napakahirap lalo sa tulad ko na isang factory worker sa Valenzuela, pagud na pagod ako sa trabaho pero napipilitang lumusong sa baha pag-uwi ko sa Bayugo."

ADVANCED MEDIA ORGANIZATION

BARANGAY BAYUGO

BRYAN DA SILVA

KA ADOR

MEYCAUAYAN

NENENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with