CAVITE  Pinaniniwalaang election-related violence incidents (ERVIs) ang pamamaslang sa isang 35-anyos na barangay chairman na tumatayong campaign leader ng dalawang kandidato makaraang tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan ang biktima sa kahabaan ng Governor’s Drive sa bayan ng Naic, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Fidel Posadas, Cavite police director, ang biktimang si Joselito "Lito" Motas, pangulo ng Barangay Sabang sa nabanggit na bayan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na sakay ng kulay abuhing Nissan Sentra (PTT-241) ang biktima mula sa panonood ng variety show nang tambangan bandang alauna y medya ng madaling-araw. Malaki naman ang paniniwala ng mga kaanak na may kaugnayan sa pulitika ang pamamaslang dahil tumatayong campaign leader ni incumbent Mayor Efren Nazareno ng Naic at congressional bet Boying Remulla, ang biktima. "Bukod sa masugid na lider ni Mayor Nazareno ang biktima, kapatid pa siya ni Councilor Motas na re-electionist din ngayong May 2007 election," pahayag ng isang kamag-anak na ayaw magpa_banggit ng pangalan. Ayon naman kay Posadas, meron na umano silang mga testigo sa krimen, pero hindi pa ito handang magbigay ng testimonya dahil sa takot sa kanyang buhay.
(Cristina Timbang, Arnell Ozaeta at Ed Amoroso) .1-M ina suportado si Pineda |
PAMPANGA  Iginiit kahapon ni congressional bet Lilia "Baby" Pineda na malaki ang paniniwala niya sa volunteerism ng mga Capampangan at kinokondena niya ang vote-buying dahil malaking insulto ito sa kanyang mga kababayan. Nilinaw pa ni Kampi House bet Pineda, na ang vote-buying na nagaganap na kanilang lalawigan ay hindi magmumula sa kanilang kampo dahil nirerespeto nila ang mga Capampangan, kasabay ang pagtanggi sa akusasyon ng kanyang mga kalaban na siya ay gumagawa ng nasabing illegal na aktibidad para makaakit ng boto. Winika naman ng 17 alkalde ng Pampanga Mayors’ League na hindi kailangan ni Pineda na mamili ng boto dahil suportado siya ng mga local officials, barangay officials, non-governmental organizations at ng mga may kapansanan sa kanilang lalawigan. May .1 milyong ina mula sa 20 bayan at 1 lungsod sa Pampanga ang sumapi sa "Project Nanay" na inilunsad ni Baby Pineda upang matulu0ngan ang mga ina ng tahanan na magkaroon sila ng hanapÿbuhay. "Lahat sila volunteer ngayon ni Nanay. Walang kapalit kundi ang pangakong lubos na pagbabago para sa kaunlaran at kalusugan ng pamilya at ng Pampanga," wika pa ni Nely Pring, president ng Project Nanay-Guagua chapter.