Anak ng mayor tiklo sa baril

Isang anak ng alkalde sa Nueva Ecija ang inaresto makaraang makumpiskahan ng isang .45 kalibreng baril sa isang checkpoint sa lalawigang ito.

Kinilala sa report ang suspek na si Escubio Uera, 31, anak ng alkalde ng Patabangan na si Lucio Uera.

Inaresto si Uera bandang alas-9:30 ng gabi ng Biyernes.

Nabigo si Uera na magpakita ng exemption mula sa Commission on Elections nang sitahin ng mga pulis hinggil sa kanyang baril. Hawak pa siya ng mga nag-iimbestigang mga pulis nang matanggap ang report. (Edwin Balasa)

Show comments