Bomba sumabog, 1 sugatan

Isang babae ang nasugatan sa pagsabog ng isang homemade bomb na hinihinalang itinanim ng mga terorista sa gilid ng isang kalsada sa Midsayap, North Cotabato kahapon ng umaga.

Nabatid kay Supt. Chino Mamburan, hepe ng Midsayap PNP, na dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo ang pinaniniwalaang naglagay ng nasabing bomba na napag-alamang gawa sa 81 mm. mortar na nilagyan ng timer.

Malubhang nasugatan ang isang babaeng natutulog sa bahay nito na malapit sa pinag-iwanan ng bomba. (Edwin Balasa)

Show comments