Mayoral bet suportado ni FVR
April 22, 2007 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite  Sinuportahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang kandidatura ni mayoralty bet Jocelyn "JO" Ricardo (Lakas-CMD) dahil sa hangad nilang mabago ang pamamahala sa kasalukuyang lungsod at upang maging tahimik, maayos ang nalalapit na halalan sa May 14. Naging mainit ang pagsalubong sa grupo ni Ricardo na may 600 volunteers ng iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod kung saan araw-araw na pangangampanya. Layunin ng grupo na mabago ang sistema ng pamamalakad ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City kung kaya’t tinagurian silang "Team Pagbabago". Kabilang sa mga kasamahang kandidato ni Ricardo sa Lakas-CMD ay sina vice mayor candidate Arnel "GM" Taruc, mga konsehal Doming Bassi, Ilang Dimapilis-Catan, Elino Fajardo, Poy Reyes, Tess Mendoza-Costa, Boji Maglabe, Obet Malabanan-Hernandez, Riza Javier-Manzano, Cora Dimapilis, at Dely Rafols-Castillo.
BATAAN  Binatikos kahapon ng House bet na si Felicito "Tong" Payumo, ang pamunuan ang Commission on Elections (Comelec) sa ’di-pantay na pagtingin sa pagpapatupad ng Oplan-Baklas operation laban sa naglalakihang poster ng mga lokal na kandidato partikular na sa unang Distrito ng Bataan. Inulan ang batikos ang Comelec matapos na baklasin ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga tuhan ni P/Senior Supt. Odelon Ramoneda, ang mga poster ni dating SBMA chairman Payumo na kumakandidato sa pagka-kongresista sa unang distrito sa lalawigan ng Bataan. Nagpahayag din ng pagkadismaya sa Comelec si re-electionist Dinalupihan Mayor Joel Jaime Payumo dahil sa ’di-makatarungang pagbabaklas sa kanilang mga streamer at poster. Naniniwala naman ang lokal na pamunuan ng Liberal Party ni Tong Payumo at Nationalist People’s Coalition (NPC) ni dating Bataan Governor Ding Roman na kandidato naman sa pagka-gobernador na panggigipit ang ginagawa sa kanila ng Comelec. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am